KATITIKAN

KATITIKAN NG PULONG PARA SA DEBUT NI ZHYKI

 

Ika-3 ng Marso, 2025

Ika-1 ng hapon

Sa silid-aralan ng 12 Charity, Saint Louis College-Cebu

 

Dumalo:
Maryrose Angelique Limbagan                  - Presiding Officer
Ana Grace. Ngalot                            - Kalihim
Carl Matthew Khu                             - Miyembro
Keara Pabinguit                              - Miyembro
Ana Grace. Ngalot                            - Miyembro
Gracely Barz                                 - Miyembro
Joshua Perez                                 - Miyembro
Therdie Zapanta                              - Miyembro
Melbourn James Mandawe                       - Miyembro
Darren Varron                                - MIyembro
 
Panukalang Adyenda
  1. Badyet para sa Debut ni Zhyki
  1. Pagplano ng Program List
  1. Pagsasagawa ng daloy ng programs (Flow of the Program)
  1. Paghahanda para sa magiging dekorasyon
  1. Pagpipili ng mga pagkain para sa debut ni Zhyki.
 
I.        Pagsisimula ng Pulong
Ang pagpupulong ay sinimulan ni Maryrose Angelique Limbagan, ang presiding officer at ang presidente ng 12 Charity, at ito ay pinasimulan sa pamamagitan ng isang panalamgin. Kasunod ay ang roll-call na isinagawa ni Ana Grace Ngalot.
 
II.        Pagsisimula ng Panukalang Adyenda
-       Binuksan ang pagpupulong sa maikling mensahe ni Maryrose Angelique Limbagan tungkol sa mga tungkulin ng bawat miyembro na kailangang gampanan.
-       Sinimulan ni Carl Matthew Khu ang pulong sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng unang adyenda, ang badyet para sa debut ni Zhyki. Itinalaga ang halagang ₱100,000 bilang pangunahing pondo para sa selebrasyon. Si Therdie Zapanta ay nagmungkahi sa pag-avail ng package deal upang makatipid at mas mapadali ang paghahanda. Napag-isipan din ni Gracely Barz na magsagawa ng 18 Bills upang may kunting pera na babalik sa kanila bilang tulong sa gastos ng debut. Sumag-ayon naman ang lahat sa mga naging suhestiyon ng bawat miyembro.
-       Sumunod na tinalakay ni Keara Pabinguit ang pagpaplano ng Program List. Napagdesisyunan na isaayos ang mga mahahalagang aspeto tulad ng venue, guest list, DJ, at host. Pinag-usapan ang posibleng mga venue na maaaring pagdausan ng debut, pati na rin ang mga panauhing iimbitahan. Nagmungkahi si Maryrose Angelique Limbagan na gawin sa Nustar ang venue para sa nasabing debut, ngunit marami ang tumutol dahil ito ay mahal at hindi pasok sa badyet. Muli siyang nagmungkahi na idaos ang debut sa Paradise Garden Events Pavilion, at sa wakas, sumang-ayon ang lahat dahil napuntahan na nila ang lugar na ito. Para naman sa mga panauhin, nag-aantay pa sila ng listahan mula sa debutante upang maisama niya ang kanyang mga kaibigan. Ang DJ ay si DJ Andrew, at ang host ay si Gweynth, na kasama na sa package na kanilang nahanap.
-       Sa ikatlong bahagi ng pulong, si Gracely Barz ang nagtalakay tungkol sa daloy ng programa. Napagkasunduan ang pagsasama ng mga tradisyunal na bahagi ng debut tulad ng 18 Candles, 18 Bills, 18 Treasures, at 18 Roses. Inisa-isa rin ang mga kinakailangang paghahanda para sa bawat bahagi ng programa upang masigurong maayos ang daloy nito sa mismong gabi ng selebrasyon.
-       Kasunod nito ay ang paghahanda para sa dekorasyon, na tinalakay ni Melbourn James Mandawe. Ipinanukala niya na ang tema ng debut ay 'green-themed fairy design' dahil mahilig si Zhyki sa kulay berde. Napagkasunduan ng lahat na ito ang magiging opisyal na tema ng debut. Iminungkahi naman nina Darren Varron at Therdie Zapanta ang paggamit ng mga ilaw, bulaklak, at iba pang disenyo na angkop sa napiling tema upang mapaganda ang ambiance ng venue.
-       Sa huling bahagi ng pulong, pinangunahan ito ni Joshua Perez, at pinag-usapan ang pagpili ng pagkain para sa debut. Napagdesisyunan na ang menu ay hahatiin sa tatlong bahagi: appetizer, main course, at dessert. Iminungkahi niya na piliin ang mga pagkaing paborito ni Zhyki at ng mga bisita upang masigurong magugustuhan ng lahat ang ihahain sa selebrasyon. Mangongonsulta pa si Joshua Perez tungkol sa menu ng nasabing venue upang mapagpilian nila ang mga inaalok nito, dahil kasama na ito sa package.
-       Bago matapos ang pulong, nagkaroon ng maikling open forum kung saan pinayagan ang lahat ng dumalo na magbigay ng kanilang opinyon at suhestiyon. Napagkasunduan na magkakaroon pa ng isa pang pulong upang ma-finalize ang mga detalye at tiyakin ang maayos na paghahanda para sa debut ni Zhyki.
 
III.        Iskedyul ng Susunod na Pulong
-       Wala pang petsa.
 
IV.        Pagtatapos ng Pulong
Natapos ang pagpupulong sa ganap na 3:30 ng Hapon
 
 
 
 
Inihanda ni:
 
 
ANA GRACE A. NGALOT
              Kalihim
 
 
 
 
Inaprubahan ni:
 
 
 MARYROSE ANGELIQUE LIMBAGAN
Presiding Officer/Presidente ng 12 Charity

Comments

Popular Posts