LAKBAY SANAYSAY
Isang Kasiya-siyang Paglalakbay sa Bacolod
Noong Enero 2025, pagkatapos ng aming intramurals, mayroon kami ng pagkakataon napupunta
sa Bacolod para sa aming retreat. Isang paglalakbay ito hindi lamang para makita ang kagandahan ng
lugar kundi upang maranasan ang katahimikang dulot ng retreat. Mula pagdating namin, agad kong
nakita ang kalinisan ng kanilang lugar at ang sariwang hangin. Naramdaman ko ang payapa ng lugar—
isang perpektong tahanan kung saan maaaring makatagpo ng kapanatagan ng loob.
Sa aming retreat, nagkaroon kami ng maraming aktibidad, karamihan sa mga aktibidad naming
ay nangyari sa CICM Mission Center Maryshore sa Talisay City. Sa unang araw, bumisita kami sa
Museo Sang Bata sa Negros, Mt. Carmel Parish, Hawaiian Philippines Corporation, at St. James the
Greater. Sa ikatlong araw, pumunta kami sa isang sugarcane farm at sa
Hacienda Adela. Sa pang-apat na araw, pumunta kami sa Bongbong's
Factory, Bacolod New Government Center, Carmelites Monastery
Bacolod, Nature's Garden Café, Campuestohan Highland Resort, at The
Ruins. Gayunpaman, ang Sugarcane Farm at Hacienda Adela ay ang
pinakanatatanging lugar na aming napuntahan. Nagkaroon ako ng isang
makabuluhang bagong karanasan dito.
Pinagkatiwalaan kami sa Hacienda na makipag-usap sa mga taong
nakatira doon. Natuwa ako nang dumating ako sa bahay ng isang magasawa dahil Nakita ko sa kanila ang aking mga magulang, lolo, at lola.
Sa aming pag-uusap, ibinahagi nila ang kanilang mga pagsubok sa
buhay. Nang nagtanong ako sa kanila, "Musta man mo, Nay? Tay?
Happy ra mo? " sumagot sila na may totoong ngiti, "Oo, Nak, happy
kaayo mi." Sa simpleng sagot na ito, natutunan kong madalas tayong
malungkot dahil iniisip natin ang mga bagay na wala sa atin, hindi
natin napapansin ang mga biyayang mayroon tayo. Samantalang ang ilan, kahit kakaunti lamang ang
kanilang ari-arian, ay lubos na ang kanilang kasiyahan at contentment.
Hindi kumpleto ang isang paglalakbay sa Bacolod nang hindi
tinatangkilik ang kanilang masasarap na pagkain. Isa ito sa mga pinakanaibigan ko sa buong retreat. Ang kanilang pagkain ay may kakaibang
lasa—parang niluto ito nang may pagmamahal at tiyaga. Isang pagkain
na tunay na nagdadala ng init ng tahanan.
Sa kabuuan, isang itong retreat na hindi ko makakalimutan. Hindi lamang ito nagbigay sa akin
ng pagkakataon na makapagpahinga mula sa stress ng akademikong taon kundi nagbigay din ng
pagkakataon na mas mapalalim ang aking pagninilay sa aking sarili. Sa Bacolod, natutunan kong
pahalagahan ang aking buhay, ang aking pamilya, at ang mga biyaya na binigay ng Diyos. Sa aking paguwi, baon ko hindi lang ang alaala ng magagandang tanawin at masarap na mga pagkain, kundi pati na
rin ang aral na natutunan ko—ang pagiging mapagpasalamat sa kung anong meron tayo. Ang Bacolod
ay hindi lang isang lugar na puno ng magagandang tanawin at masasarap na pagkain, kundi isang lugar
na puno ng kwento ng kasiyahan, kasapatan, at pagmamahal. Kung bibigyan pa ako ng pagkakataong
bumalik, gagawin ko, at irerekomenda ko ito sa sinumang gusto ng isang makabuluhang paglalakbay.
Comments
Post a Comment